Davao Oriental – Nagbalik-loob sa gobyerno ang dalawa’ng miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Kinilala ang mga surrenderee na sina Romeo Culintang alyas Buknoy at Jay-Ar Mendez Lantayada.
Bitbit ng dawala sa kanilang pagsuko ang isang Granada at isang caliber .45 na pistol. Si Lantayada ay kasapi na ng NPA Guerilla Front 18 na nag-operate sa probinsya ng Davao Oriental ng siya ay 17 taong gulang pa lamang ng pumasok ito sa rebeldeng grupo noon pang 2019.

Ang dalawa’ng sumuko ay bibigyan ng tulong sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan para mamuhay ng matiwasay at maayos kasama ang kanilang pamilya.
Sa ngayon patuloy ang pag-iingganyo ng pamahalaan sa mga rebeldeng grupo na sumuko na lamang dahil may inihandang mga programa ang gobyerno para sa kanila.
(Source: 701st Kagitingan Brigade PA)
