29.9 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Dalawang Kadiwa on Wheels ng Baguio pantulong sa mga lokal na magsasaka sa lungsod

- Advertisement -

Ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng City Veterinary and Agriculture Office o ng CVAO ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga apektadong magsasaka sa lungsod. Ito ang paraan ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Baguio upang matulungan ang mga lokal na magsaska sa lungsod dahil sa mababang presyo ng bilihan ng gulay lalo na repolyo at Chinese cabbage.

Anila, ito ay upang maibsan ang mga hamon na kinakaharap ng ating mga magsasaka ,ang lokal na gobyerno ay nagpapalawak ng kanilang programa sa KADIWA upang mapadali ang pamimili ng mga gulay sa pamamagitan ng KADIWA ON WHEELS.

Sinabi ni ginoong Godfrey Sapdit, ang CVAO Agrobusiness at Marketing focal person nakatutok sa problema ng magsasaka na kanyang sinasabihan ang mga ito kung may ani na silang repolyo at Chinese cabbage at interesado sila sa nasabing programa, agad siyang tawagan sa cellphone number 09092799795 para sa karagdagang koordinasyon.

Sa kasalukuyan, ang lungsod ay may dalawang units ng KADIWA refrigerated vans para tumulong sa mga magsasaka.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Public Information Office – Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -