31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Dalawang Barangay Sa Bayan Ng Caramoan, Camarines Sur, Napasok Na Ng African Swine Fever; Pito Pang Barangay, Binabantayan

- Advertisement -

Iriga City —Kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan ng Caramoan, Camarines Sur na nakapasok na sa kanilang bayan ang African Swine Fever o ASF.

Ayon sa LGU Caramoan, ilang baboy sa Brgy. Patag Belen at Brgy. Colongcogong ang tinamaan ng ASF.

Bukod dito, ang mga barangay ng Cabacongan, Cadong, Bikal, Maligaya, Gibgos, Poloan at Brgy. Mampirao ay posible naring napasukan ng ASF.

Kaugnay nito, agad na kumuha ng blood samples ang mga tauhan ng Municipal Agriculture Office na isinumiti sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa Camalig, Albay para sa confirmatory testing.

Halos isang taon daw na naghigpit sa pagbabantay ang Pamahalaang Lokal upang hindi makapasok ang ASF pero sa kabila nito, ay may mga pasaway na pumupuslit ng kontaminadong karne ng baboy mula sa ibang bayan kaya kinakaharap nila ngayon ang sakit na magdadala ng malaking pinsala sa pagbababoy sa lugar.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -