Saturday, May 18, 2024

Dalawa pang Pinoy sa Japan nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Dalawa pang Filipino sa JUapan ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel, nasa Osaka ang isa sa dalawang Filipino habang nasa Nagoya naman ang isa pa.

Tiniyak naman ni Laurel na walang dapat ikalarma sa sitwasyon dahil maliit lamang ang naitatalang kaso ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 kumpara sa kabuuang populasyon ng Filipino community sa Japan.

Dagdag ni Laurel, isa na lamang sa 80 mga Pilipinong nahawaan ng COVID-19 habang sakay ng M/V Diamond Princess ang nanatili sa ospital doon.

Nakauwi na aniya ng Pilipinas ang lahat ng mga nag-negatibo at nadischarge ng mga Pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -