Dalawa pang bugso ng COVID-19 sa bansa ibinabala ni Duterte

0
26

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa pang bugso ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, maituturing na first wave pa lamang ang mga bilang ngayon ng kumpirmado at nasawi dahil ng COVID-19 sa bansa.

Ngunit aniya, hindi kalaunan ay mararamdaman na ang second at third wave umano nito dahil sa mga taong nakararanas pa lamang ng sintomas ngayon ng sakit.

Sinabi ng pangulo na ganoon ang epidemya kung saan ang mga namamatay sa sakit ang unang tinamaan at ang mga ito ay nakahawa at ‘yon ang maituturing na mga second wave.

Dagdag pa ng pangulo, sa third wave umano o ‘yong panghuli ay saka makikita aniya ang paliit na bilang o paghupa ng pagkalat ng sakit.