Dagupan isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pag ulan at pagbaha

0
52

Isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Dagupan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha bunsod ng tuluy – tuloy na pagbuhos ng ulan.

Kabilang sa mga apektado ng baha ay ang mga barangay ng Pantal, Tapuac, Lucao, Uno, Dos, Tres at Kwatro.

Samantala, inilagay na rin sa state of calamity ang bayan ng Paombong sa Bulacan dahil rin sa walang tigil na pag – ulan doon.

Sa kabuuan, tinatayang aabot na sa mahigit 48,000 pamilya o katumbas ng halos 200,000 indibidwal mula sa 242 barangay ang apektado mula sa regions 3, 4 – A ,4-B, NCR at CAR.

Nanatili naman sa dalawa ang nasawi, isa ang sugatan at isa ang nawawala dahil sa mga pag ulan.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang ilang barangay sa Naic sa Cavite gayundin ang bayan ng Lamut sa Ifugao.