Dagdag singil sa toll sa SCTEX epektibo na sa June14

0
53

Epektibo na sa Hunyo 14 ang bagong toll rate adjustments para sa SCTEX o Subic Clark Tarlac Expressway.

Ayon kay Bert Suansing, tigapagsalita ng TRB o Toll Regulatory Board, inaprubahan na ng ahensiya ang dagdag na 51 centavos sa kada kilometro sa sisingiling toll sa mga motorista.

Nangangahulugan ito ng dagdag na 20 pesos para sa mga Class 1 vehicles na dadaan ng SCTEX mula Mabalacat hanggang Tarlac, 40 pesos sa mga Class 2 at 50 pesos sa mga Class 3 vehicles.

Habang may dagdag namang 32 pesos sa mga Class 1 vehicles na magmumula ng Mabalacat hanggang Tipo, Subic, 66 pesos sa Class 2 at 98 pesos sa Class 3.

Binigyang diin naman ni Suansing na 2011 pa inihain ang petisyon para sa toll fee adjustments sa SCTEX.