31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Dagdag singil sa LRT 1 hindi pa nadedesisyunan

- Advertisement -

Wala pang desisyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority kaugnay ng hinihiling na dagdag singil sa pasahe sa LRT Line 1.

Ayon kay transportation Sec. Arthur tugade, kahit walang maging pagtaas sa pasahe ay tuloy pa rin ang pagtatayo ng LRT 1 Cavite extension.

Ani Tugade, mananatili lamang petisyon ang naturang fare increase hanggat hindi pa ito napagdedesisyunan ng LRTA board, ngunit hindi ito aniya makakaapekto sa konstruksyon ng LRT 1 extension.

Nuong nakaraang taon ay naghain ang LRMC ng average na P5 taas pasahe sa hindi end to end na pagsakay sa LRT 1 at dagdag na P7 sa end to end na byahe o mula Baclaran sa Pasay hanggang Roosevelt sa Quezon City.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -