Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ilalarga na ngayong Mahal na Araw

0
49

Panibagong dagdag presyo ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto ngayong Mahal na Araw.

Alas 12:01 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Chevron Philippines o Caltex ang dagdag piso at singko sentimos sa kada litro ng gasolina; sitenta’y singko sentimos sa diesel habang sisenta sentimos sa kerosene o gaas.

Ipinatupad naman ng Petron, Shell, Chevron, Eastern Petroleum, Jetti, Unioil, Flying V, P.T.T at Petro Gazz ang kahalintulad na price increase ngayong ala 6:00 ng umaga.

Ang panibagong price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.