35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Dagdag-presyo sa LPG ilalarga

- Advertisement -

Nagpatupad ng dagdag-presyo ang ilang kumpanya ng langis sa  kanilang liquified petroleum gas (LPG).

Ayon sa Petron itinaas nila ng P0.15 kada kilo ang presyo ng LPG simula ngayong alas-12:01 ng hatinggabi o katumbas na P1.65  para sa 11 kilogram LPG tank.

Sampung sentimos (P0.10) naman ang idinagdag sa kada litro ng auto-LPG ng Petron na.

Samantala alas-6 naman ngayong umaga ang dagdag na P0.13  sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Solane o P1.43 sa isang tangke.

Ayon sa Department of Energy (DOE) sa buwan ng Hulyo  ang presyo ng kada 11 kilogram na LPG tank sa Metro Manila  ay naglalaro sa P539.00 hanggang P857.00.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -