Dagdag pondo ng ICAD sa Kongreso dapat humingi

0
24

Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ay sa Kongreso humingi ng karagdagang pondo para sa Inter Agency Committee In Anti-Illegal Drugs (ICAD) si Vice President Leni Robredo.

Aniya, naipasa na nila sa Kongreso ang nakalaag P15-M pondo na nakalaan para sa ICAD.

Magugunitang inihayag ng Bise Presidente na hindi pa sapat ang naturang halaga para sa ahensya dahil sa kalakip nitong malaking responsibilidad.

Paliwanag ni Robredo, ang karagdagang pondo ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga sangkot na ilegal na droga.

Samantala, nangako naman ang ilang senador na tutulong para madagdagan ang pondo ng ICAD sa gagawing deliberasyon sa Senado. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)