30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Dagdag pasahe sa jeep muling inihirit

- Advertisement -

Muling humirit ng dagdag pasahe ang mga operator at tsuper ng jeep sa gitna ng panibagong price increase sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Pasang Masda President Robero Martin, hindi na sapat ang kinikita ng mga tsuper dahil sa hindi mapigilang oil price increase bukod pa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pisong dagdag o sampung piso aniya ang kanilang hiling mula sa kasalukuyang P9 sa Metro Manila upang kahit paano ay makasabay ang mga driver sa mataas na presyo ng pagkain.

Humirit din ng fare increase ang mga operator at tsuper ng jeep sa Region 1, Central Luzon at Calabarzon.

Hulyo 9 nang huling ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasahe sa jeep sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -