Monday, May 6, 2024

Dagdag buwis sa alak at vape pirmado na ni Duterte

- Advertisement -

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas hinggil sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa alak at e-cigarettes.

Nakasaad sa bagong batas na tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50, habang ang e-cigarettes naman ay tataas ng P25-45 pesos.

Epektibo ngayong taon ang nasabing dagdag buwis na gagamitin para pondohan ang Universal Health Care (UHC) law.

Tinatayang mahigit P20-bilyon ang makukuhang buwis ng gobyerno sa dagdag na sin tax sa alak at e-cigarettes —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img