Dagdag bawas sa pasahe sa mga PUV ikinakasa na ng LTFRB

0
47

Ikinakasa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang formula para sa fare adjustment sa mga public utility vehicle (PUV).

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kino-konsulta na ng kanilang technical working group katuwang ang DOLE, DTI, DOF at NEDA ang iba’t ibang transport group para sa fare formula.

Nakasaad aniya rito ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo maging ang gastos ng mga operator sa krudo.

Tinitingnan na rin ang epekto nito sa mga commuter at kailangang timbangin ang interes ng publiko at mga transport group.

Inaasahang ilalabas ng LTFRB ang fare formula sa ikalawang quarter ng taon o mula Abril hanggang Hunyo.

—-