Saturday, May 18, 2024

Daan-daang pamilya sa Davao Occidental inilikas dahil sa ‘Chedeng’

- Advertisement -

Inilikas na ang daan-daang pamilya sa Davao Occidental kagabi.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng pananalasa ng bagyong Chedeng na ngayon ay isa na lamang low pressure area (LPA).

Kabilang dito ang aabot sa limang daang (500) pamilya sa bayan ng Malita na kasalukuyang nanunuluyan muna sa ilang mga eskuwelahan na ginawang evacuation center.

Una na ring sinunspinde ang klase sa ilang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Chedeng.

Batay sa datos ng PAGASA, pasado alas-5:30 kaninang umaga nang mag-landfall sa bahagi ng Malita ang bagyong Chedeng.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -