Thursday, May 2, 2024

Bagyong Chedeng humina na at isa na lamang low pressure area

- Advertisement -

Humina na at isa na lamang low pressure area (LPA) ang bagyong Chedeng matapos ito mag-landfall sa bahagi ng Malita, Davao Occidental pasado alas-5:30 kaninang umaga.

Dahil dito, inalis na rin ng PAGASA ang itinaas na storm warning signal number 1 sa ilang mga lugar sa Mindanao.

Sa datos ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa bahagi ng Lake Sebu sa South Cotabato.

Gayunman, ibinabala ng PAGASA na magpapatuloy pa rin ang mga pag-ulang dala ng nasabing sama ng panahon sa malaking bahagi ng Southern Mindanao.

Kabilang sa makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Bangsamoro North Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao City.

Habang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao at ilang bahag ng Central Visayas at Leyte Provinces.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar na nasa mababang lugar o tabing ilog na maging alerto sa mga posibillidad ng pabaha gayundin ang pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi.

Nananatili rin ang gail warning sa eastern seaboard ng Visayas at eastern at southern seaboard ng Mindanao.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img