DA pinalawig ang umiiral na price freeze para sa piling produktong pag-agrikultura

0
15

Pinalawig pa ng Department of Agriculture (DA) ang umiiral na price freeze para sa piling produktong pag-agrikultura at iba pang pagkain.

Ito ay bunsod pa rin ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa nilagdaang kautusan ni Agriculture Sec. William Dar, ang hakbang na ito ay upang mapanatili sa tamang presyo ang mga pangunahing bilihin, sa harap na rin ng krisis na kinahaharap ng bansa.

Sakop din ng nabanggit na kautusana ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa mga sumusunod na produkto:

          NFA rice- 27 pesos kada kilo

          Imported na bigas- P39.00 hangang P51.00 kada kilo

          Local na bigas- P33.00 hanggang P53.00 kada kilo

          Mantika- P50.00kada litro

          Manok – P130.00 kada kilo

          Baboy(liempo) – 225 pesos kada kilo

          Itlog – P6.00 kada piraso

          Bangus-  P162.00 kada kilo

          Galungong- P130.00 kada kilo