DA, nagsimula nang mag-export ng mga sariwang ‘hass’ avocado sa Korea

0
4

Sinimulan ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang pag-export ng Fresh ‘Hass’ Avocado sa Korea.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), layunin nitong mag-export ng sariwang hass avocado fruits sa Korea, bilang tugon sa kahilingan ng DOLE Philippines.

Matatandaang noong Hunyo 19 pa lamang ay nagkasundo ang Department of Animal and Plant Quarantine Agency (APQA) ng Republic of Korea at DA-BPI hinggil sa nasabing proyekto.

Samantala, batay sa inisyal na kargamento, mayroong 3,040 na kahon na nagkakahalaga ng $48,433 na inaasahang darating sa Pyongtaek Port sa South Korea sa Oktubre 8.

 

Written by Cheleste Simene

Photo courtesy of PNA

Leave a Reply