DA may matinding babala sa mga OFW at turistang Pinoy

0
44

Muling nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga manggagawa o turistang pinoy na magbabalik bansa at magdadala ng mga meat products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Kabilang dito ang mga produktong karne ng baboy mula China, Hong Kong, Macau, Vietnam, Cambodia, Belgium, Russia, Ukraine, Bulgaria, Latvia, Moldova, Poland at Mongolia.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kukumpiskahin sa mga paliparan sa Pilipinas ang mga meat products mula sa mga nabanggit na bansa at pagmumultahin ng P200,000 ang mga may dala nito.

Binigyang diin ni Piñol na layunin ng kanilang paghihigpit na maiwasang masira ang P2 billion halaga ng hog industry sa Pilipinas oras na may makalusot na African swine fever (ASF) virus sa bansa.

Kasabay nito, hinimok ng kalihim ang mga taga pamahalaan partikular ang Bureau of Customs (BOC) na mahigpit na ipatupad ang kanilang mga ipinalabas na memorandum.

—–