31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

DA handang tulungan sa pangkabuhayan ang mga OFW mula Middle East

- Advertisement -

Bukas ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang mga distressed Overseas Filipino Workers OFW’s na mapapauwi bunsod ng sigalot sa pagitan ng Amerika at mga bansa sa gitnang silangan.

Sa panayam ng DWIZ kay Agriculture Secretary William Dar, maaaring maka-utang ang mga distressed OFW’s sa kagawaran ng P15-M hanggang P25-M.

Binigyang diin pa ng kalihim, ito aniya’y sa ilalim ng pinalawig na micro and small agri-business loan program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Ayon sa kalihim, magandang panimula aniya ito para sa mga distressed OFW’s para magamit sa anumang mga negosyong may kinalaman sa agrikultura at pangisdaan.

Importante iprisenta nila yung passport nila at kontrata then business plan, simple as that, yung business plan na simple lang; one page. Food production, food processing, zero interest they can borrow as high as 15 million,” ani Dar.

Dagdag pa ng kalihim, ang OFW’s emergency loan ay ipapautang nang walang interes at maaring bayaran sa loob ng limang taon.

Para sa mga interesadong OFW’s at kanilang mga kaanak ay maaring tumawag sa DA-ACPC hotline na (02) 8-636.3392 o kaya ay sa cellphone number 0917.5153.392 at hanapin si Noel Clarence Ducusin at 8-636 3390 at CP number 0949.881.2991 at hanapin naman si Joel Matira.

Mabilisan ito para hindi na yung sobrang too lengthy, we will see to it na within two weeks ay aprubado na yan. Ito ay sinasabi natin sa publiko at ime-mention ko pa kay Presidente, alam niyo lahat ng magawa ng kagawaran ng pagsasaka na tutulong sa ating Pangulo ay gagawin nating pagsisilbi sa mga taong may pangangailangan na magnenegosyo sa agrikultura,” ani Dar. — sa panayam ng Oh! IZ sa DWIZ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -