DA bumuo ng task force upang tiyakin walang magaganap na rice hoarding

0
51

Bumuo na ng task force ang Department of Agriculture (DA) para matiyak na walang magaganap na hoarding o pagtatago ng bigas sa buong bansa.

Tungkulin ng task force, ayon kay DA Secretary Manny Piñol, na mag inspeksyon sa lahat ng bodega ng bigas para makita ang mga ebidensya ng hoarding kayat nama manipula ang presyo ng bigas.

Kasunod na rin ito nang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa pangangasiwa ng DA ang National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).