28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DA at NFA susuriin ang mga inaangkat na bigas

- Advertisement -

Hihigpitan na ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang pagsusuring gagawin sa mga bigas na inaangkat mula sa ibang bansa.

Ito umano ay para maiwasan na ang pagkakaroon bukbok sa bigas.

Ikinatuwa naman ito ng grupong bantay bigas na anila’y tama lang na suriin ang kanilang inaangkat na mga produkto.

Gayunman sinabi ng grupo na mas makakabuti pa rin kung wala nang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa at sa mga lokal na magsasaka na lang mismo bibili ng bigas.


NFA ipagbabawal ang pag-aangkat ng mga mamahaling commercial rice

Pagbabawalan na ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng mamahaling commercial rice.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, ito ay para tugunan ang mataas na presyo ng bigas.

Paliwanag ni Piñol, magiging daan ito para mahila ng pababa ang presyo ng ibang commercial rice dahil wala ng mahal na bigas.

Naglalaro aniya kasi sa P50 hanggang P60 kada kilo ang mga bigas na “Class A” o iyong limang porsyentong broken rice mula sa Thailand at Vietnam.

Dahil dito tanging 25 porsyentong broken rice na lamang ang pwedeng angkatin ng gobyerno at mga rice trader.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -