Cyber patrol ops kontra extremist websites palalawakin ng PNP Anti Cyber Crime Group

0
55

Palalawakin ng PNP Anti Cyber Crime Group ang cyber patrol operations laban sa mga extremist websites.

Tiniyak ni Police Brigadier General Dennis Agustin, director ng PNP ACG na hananapin nila ang online websites na nagsusulong ng terorismo.

Kabilang dito ang 8Chan Online Messaging Board na may koneksyon sa mass shooting sa Amerika.

Sinabi ni Agustin na makakatulong ito para mabatid kung nasaan at paano nag o operate ang may ari ng 8Chan na si Jim Watkins na sinasabing nasa Pilipinas.