Cuy itinalaga ni Pang. Duterte bilang Chairman ng DDB

0
14

Muling itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Catalino Cuy bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board.

Ayon kay DDB Executive Director Earl Saavedra, layon nito na maipagpatuloy pa ni Cuy ang pagpapatupad ng Phil Anti Illegal Drugs strategy.

Prayoridad anya ng DDB nayong taon ang pagpapalabas sa resulta ng survey hinggil sa kung bakit at kung gaano kalala ang problema ng drug abuse sa bansa.