CSC nanindigan na bawal tumanggap ng regalo ang mga nasa gobyerno

0
65

Nanindigan ang Civil Service Commission (CSC) na bawal tumanggap ng regalo mula sa mamamayan  ang mga nagta-trabaho sa gobyerno.

Sa gitna ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte at pagtatanggol ng malakanyang na walang problema kung tumanggap man ng regalo ang mga pulis kung ito ay bilang pasasalamat sa kanilang nagawa.

Ayon kay Commissioner Aileen Lizada ng CSC, malinaw na nakapaloob ang pagbabawal sa Republic Act 6173 o conduct and ethical standards for public officials and employees at Republic Act 3019 o anti-graft and corrupt practices act.

Bukod dito may memorandum circular rin aniya ang Department of Interior and Local Government noong 2016 na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo kung ito ay ibinigay kapalit ng ginawang trabaho.