CSC maglulunsad ng job fair sa Setyembre

0
18

Maglulunsad ng malawakang online job fair ang Civil Service Commission (CSC) sa ika-14 hanggang ika-18 ng Setyembre.

Katuwang ang iba’t ibang kumpanya, inaasahang aabot sa 600,000 trabaho ang iaalok ng CSC.

Nilinaw naman ni CSC Commissioner Aileen Lizada na kahit ang mga walang civil service eligibility ay may maa-applyan pa rin.

Kasabay nito, hinimok ni Lizada ang lahat ng ahensya ng gobyerno na makiisa hanggang ika-14 ng Agosto at ipagbigay-alam sa kanila ang job vacancies.

Samantala, inanunsyo naman ng Jobstreet na aabot sa 40,000 job vacancies ang kanilang iaalok.

Batay naman sa Trabahanap, tumaas ang demand para sa mga call center agents.