CSC exam ipinagpaliban ngayong linggo

0
63

Ipinagpaliban ng Civil Service Commission (CSC) ang nakatakdang (Career Service Examination – Paper and Pencil Test (CSE-PPT) sa buong bansa ngayong darating na Marso 15, Linggo.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, kasunod aniya ito ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Lizada, bahagi ito ng kanilang preemptive health measure para maiwasan ang pagdami pa ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pagpapakita rin aniya ito ng suporta sa mga ipinatutupad na hakbang ng national at local government sa gitna ng banta ng nabanggit na sakit.

Umaabot sa halos 300,000 indibiduwal ang nakatakda sanang kumuha ng career service examination sa may  64 na ng mga testing locations sa buong bansa.