27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Cristalle Belo nanganak na

- Advertisement -

Isinilang na ni Cristalle Belo, anak ng celebrity doctor na si Vicky Belo, ang kanyang pangalawang anak sa asawang Australian Hotelier.

Ibinahagi ito mismo ni Cristalle sa kanyang instagram account.

Ayon kay Cristalle, naging mahirap ang kanyang panganganak sa kanilang baby girl sa pamamgitan ng c-section lalu na’t hindi niya kasama sa loob ng delivery room ang asawang si Justin Pitt.

Kinailangan aniya nilang magsakripisyo para maprotektahan hindi lamang ang kanilang baby girl kundi maging ang mga health workers sa gitna na rin ng nararanasang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kabilang naman nito, sinabi ni Cristalle na itinuturing pa rin nilang napakagandang araw ng pagdating ng kanilang second baby na aniya’y simbolo ng pagasa, pagmamahalan, kalakasan at himala sa kabila ng mga kasalukuyang sitwasyon.

Nagpapasalamat din si Cristalle na ligtas at malusog silang dalawa ng kanyang baby girl.

Ikinasal si Cristalle sa asawang Australian noong September 2016 habang kanya namang ipinanganak ang panganay na si Hunter noong may 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -