29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

CPP tinawag ang ‘Red October’ ng militar at pamahalaan na kathang isip lamang

- Advertisement -

Tinawag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kathang isip lamang ng militar at pamahalaan ang umano’y “Red October” o ang planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte sa pangunguna ng mga komunista.

Sa ipinalabas na pahayag ng CPP, kanilang kinondena ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa anila’y pagiimbento ng sitwasyon na may malinaw na layuning magpatupad ng mararahas na aksyon laban sa taumbayan.

Mariin ding itinanggi ng CPP ang akusasyon ng militar na umano’y kanilang pakikipagsabwatan sa oposisyon para sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin pa ng CPP na walang maipakitang matibay na ebidensiya ang AFP sa nakuha umano nitong intelligence information at maging ang sinasabi ni Pangulong Duterte na recorded na pag-uusap ng kanilang organisasyon at iba pang grupo hinggil sa ouster plot.

Samantala sa hiwalay na pahayag, sinabi ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na sina Pangulong Duterte at ang militar ang nagsasabwatan para sa isang psy-war campaign na layuning pagandahin ang rehimenng Marcos at mabigyang katwiran ang plano nitong magdeklara ng batas militar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -