COVID-19 testing centers sa bansa nasa 23 na

0
32

Umaabot na sa 23 ang COVID-19 testing centers sa buong bansa

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire pinakahuli nilang nabigyan ng accreditation para magsagawa ng independent testing sa COVID-19 ang Cebu TB Reference Laboratory.

Sa mga nasabing certified testing centers 17 ang nasa Metro Manila at ang anim pa ay nakakalat sa Cordillera Administrative Region at Regions 5, 6, 7 at 11.

Samantala ipinabatid ni Vergeire na tatlo pang laboratoryo ang nasa stage 4 na ng accreditation process ng DOH sa kabuuang 77 pasilidad na nag-apply ng certification kung saan 58 ang nasa stage 3 na.