COVID-19 testing capacity ng bansa umaabot na sa 8,000 kada araw —DOH

0
8

Naabot na ng Pilipinas ang target nitong makapagsagawa ng 8,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kada araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Mayo 10 nang nakapagsagawa ang mga laboratoryo sa bansa ng 8,637 test sa isang araw, dahilan para pumalo na sa 173,144 ang kabuuang bilang ng naisagawang test sa bansa.

Mula sa kabuuang bilang, 142,661 dito ang nagnegatibo habang ang 14,981 ay nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, muli namang iginiit ni Vergeire na ang bilang ng indibidwal na nagpopositibo sa virus ay mas mataas kumpara sa bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa isinasagawang verification at validation.