28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

COVID-19 relief programs inilatag para sa SSS members

- Advertisement -

Nadagdag ang Social Security System (SSS) sa listahan ng mga tumugon sa tawag ng pangangailangan ng mga Pilipino para tulungan ang mga pinaka-apektado ng krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bilang pakikiisa sa “Bayanihan to Heal as One Act,” naglatag ang SSS ng iba’t ibang COVID-19 Relief Programs, kasabay na rin ng implementasyon ng pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region at iba pang lugar sa Luzon.

Kasabay nito, extended o pinalawig ng ahensya ang ‘filing period’ para sa lahat ng sickness benefit claims mula Marso 1 hanggang Abril 30, 2020.

Sa ilalim ng temporary extension, ang mga ‘employed members’ ay mayroong 60 araw para makapagsumite ng sickness notification sa kanilang mga employers pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ang mga employers naman ay maroon 60 araw para maihain ito sa SSS.

Samantala, ang mga employers at SSS members naman na ang sickness benefit o reimbursement claims ay mapapaso na sa Abril 30, 2020, maaari pang makapagsumite ng claims hanggang Hunyo 30, 2020 nang walang kaltas o ‘denial’ ng kanilang claims.

Samantala, muli ring pinaalalahanan ng SSS ang mga kompanya na magbayad nang maaga ng sickness benefits para sa kanilang mga empleyado dahil ito’y nakabatay sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -