COVID-19 kontrolado na sa isang construction site sa Taguig

    0
    7

    Kontrolado na ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang construction site sa Taguig City.

    Ito ay matapos na pumalo sa higit 300 ang bilang ng mga nahaawaan ng COVID-19 sa naturang construction site.

    Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, na-contain na nila ang transmission ng virus, at nananatili pa rin sa 327 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 mula sa construction site sa Fort Bonifacio sa lungsod.

    Aniya, na kontrol nila ang pagkalat ng virus dahil sa pagpapatupad ng localized lockdown sa lugar, at mas pinaigiting na contact tracing at testing.

    Sa ngayon, ipinagmalaki naman ng alkalde na nasa 2,000 na ang kanilang testing capacity kada araw.