IATF magpupulong ukol sa bagong ipapatupad na quarantine protocol sa Metro Manila

    0
    13

    Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang isapinal ang rekomendasyon para sa ipatutupad na quarantine protocols sa bansa.

    Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, hindi pa nila masasabi kung maari nang ibaba ang quarantine protocols sa Metro Manila.

    Kaugnay nito, sinabi naman ni COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na baka hindi na kayanin ng bansa kung ilalagay ang Metro Manila sa panibago na namang lockdown.

    Sa ngayon, hanggang bukas na lamang epektibo ang general community quarantine (GCQ) na umiiral sa Metro Manila at inaasahan namang ianunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong ipatutupad na quarantine measures.