COVID-19 cases sa Taguig umabot na sa 1,227

0
15

Muling nakapagtala ng panibagong 141 na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig.

Sa pinakahuling tala, kabuuang 1,227 na ang bilang ng mga dinapuan ng virus dito.

Lumalabas din na naitala ang mga bagong kaso ng virus ay sa mga sumusunod na mga barangay: Barangay Bagumbayan, Central Signal, Fort Bonifacio, Katuparan, Lower Bicutan, Napindan, New Lower Bicutan, Palingon, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Sta Ana, Ususan, at Western Bicutan.

Mayorya naman ng kaso ang nanggaling sa barangay Fort Bonifacio na nakapagtala ng 100 bagong kaso, kaya’t lumobo na ang bilang ng mga COVID-19 cases sa naturang barangay sa bilang na 274.

Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang kabuuang 167 na mga COVID-19 patient ang tuluyan nang nakarekober sa virus, habang nasa 23 naman ang nasawi dahil dito.