COVID-19 cases sa Pilipinas lumobo na sa higit 500

0
15

Pumalo na sa 501 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos maitala ang 39 na panibagong kaso.

Nananatili naman umano sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.

Nasa 19 naman umano ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.