COVID-19 cases sa Kamara umabot na sa 78

0
38

Dalawa pang empleyado ng House of Representatives ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, sumampa na sa 78 ang mga tinamaan ng coronavirus sa lower house.

Sinabi ni Montales na ang isa sa mga pinakahuling COVID-19 positive sa Kamara ay miyembre ng security staff at pumasok pa sa trababaho noong Setyembre 7 at 9.

Samantala, ang isa pang kawani na dinapuan ng virus ay mula sa Legislative Library Service na kasalukuyang nasa working from home arrangement mula pa noong Hulyo 24.

Nakaranas umano ito ng mga sintomas ng COVID-19 matapos dalawin ang naaksidente nitong kapatid sa isang ospital.