COVID-19 cases sa Iraq nasa 156,995, interesado sa COVID-19 vaccine mula Russia

0
12

Interesado ang Iraq sa nabuong bakuna ng Russia laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang pahayag ay ginawa ni Public Health Department Head Riyadh Abdul-Amir matapos makapagtala ang kanilang bansa ng 3,396 na bagong kaso ng coronavirus.

Umakyat na sa 156,995 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Iraq.

Umabot na rin sa 5,531 ang mga nasawi habang 112,102 na ang total recoveries sa naturang bansa.