COVID-19 cases sa buong mundo pumalo na sa 4.14-M —WHO

0
25

Pumalo na sa 4.14-milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa 283,000 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa bilang na ito, naitala sa Estados Unidos ang pinakamaraming bilang ng mga nasawi kung saan sumampa na 79,000.

Una rito, nakapagtalang muli ng kaso ang Wuhan, China matapos ang ilang linggo na walang bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.