Sumampa na sa higit 13 milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa kabuuang 13,238,121 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.
Sa bilang na ito, nasa 569,000 na ang mga nasawi habang nasa 7 milyon naman ang mga nakarekober.
Sa ngayon, nananatili ang estados unidos bilang bansang pinaka matinding tinamaan ng COVID-19 matapos na makapagtala ng tatlong milyong bilang ng kaso nito at 135,000 pagkasawi.