Malabo pang magbalik sa normal ang sitwasyon sa buong mundo dahil sa tumitinding kalagayan ng maraming bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa World Health Organization (WHO), maraming bansa ang hindi naging maayos ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Ghebryesus napakamaraming bansa ang nasa maling direksyon sa pagtahak at paghanap ng solusyon sa kinahaharap na krisis pangkalusugan.
Aniya, malayo pang bumalik sa normal ang estado ng pamumuhay ng mga tao dahil sa paglala ng COVID-19 kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasasawi dahil dito partikular na sa Estados Unidos.
