COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 26 milyon na

0
15

Sumampa na sa 26.42 million ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), nasa 869,349 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa daigdig.

Habang nasa 18,080,000 naman ang bilang ng recoveries o yung mga gumaling sa mula sa nasabing virus.

Samantala, nasa pang-22 pwesto naman ang Pilipinas pagdating sa dami ng kabuuang kaso ng COVID-19, mula sa 210 bansa na mayroong mga naitalang COVID-19 cases.