COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 23 milyon na

0
17

Sumampa na sa 23.31 million ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), sa naturang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa daigdig nasa 805,000 na ang bilang ng mga nasawi.

Habang nasa 16 million na naman ang bilang ng mga gumaling o naka-rekober sa COVID-19.

Sa ngayon, nananatili ang Estados Unidos bilang bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 matapos na umabot sa 5,600,000 ang kaso ng COVID-19 sa Amerika.