Friday, May 3, 2024

COVID-19 cases sa bansa umabot na sa 119,460

- Advertisement -

Umakyat na sa 119,460 ang bilang ng mga coronavirus infections sa Pilipinas matapos magkaroon ng 3,561 na bagong kaso.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 66,837 na ang total recoveries kasunod ng paggaling 569 na pasyente.

Kasabay nito, pumalo na sa 2,150 ang death toll sa buong bansa makaraang maitala ang 28 na bagong COVID-related deaths.

Samantala, nangako ang DOH na bubuo ito ng mga bagong estratehiya sa mga susunod na linggo kasama ang mga eksperto bunsod ng patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img