COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa mahigit 100,000

0
8

Lumagpas na sa 100,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 5,032 karagdagang kaso na siyang pinakamataas na naitalang bilang ng bagong COVID-19 case sa isang araw.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 65,557 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na pasyente matapos madagdagan ng 301 bagong recoveries.

Habang nadagdagan naman ng 20 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 na mayroon nang kabuuang 2,059.

Samantala, limang lugar naman ang nakapagtala ng pinakamatataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag, kabilang ang Metro Manila na may 2,737.

Gayundin ang Cavite na nakapagtala ng 463 bagong kaso, Cebu na 449, Laguna na 326, at Rizal na 201.