Friday, May 17, 2024

COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 52 —DOH

- Advertisement -

Sumampa na sa 52 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH)  kung saan tatlong indibiduwal pa ang nagpositibo sa virus, kahapon.

Ayon sa doh, si patient 50 ay isang 69 anyos na babaeng taga Quezon City at kasalukuyang naka-confine sa Medical City.

Isang 26  anyos namang lalaki si patient 51 na taga quezon city rin at nasa Makati Medical Center.

Habang isang 79 anyos namang babae si patient 52 na naka-admit sa Asian Hospital at Medical Center.

Kapawa naman walang travel history si patient 50 at 51 habang bumiyahe naman ng United Kingdom si patient 52.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -