COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 197,164 —DOH

0
18

Nadagdagan pa ng halos 3,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa 2,965 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 dahilan naman para pumalo sa 197,164 ang total infections sa bansa.

Naitala naman ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (1,575)
  • Negros Occidental (237)
  • Laguna (151)
  • Cavite (129)
  • Batangas (95)

Samantala, umakyat naman sa 132,396 ang gumaling sa COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng panibagong 368 na kaso ng paggaling.

Sa kasamaang palad, nasawi naman ang 34 pang katao dahilan para sumampa ang death toll ng COVID-19 sa 3,038.