Tuesday, April 30, 2024

COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 164,474 —DOH

- Advertisement -

Mahigit 3,000 ang nadagdag sa bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo na sa 164,474 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdag ang 3,314 na bagong kaso ng naturang virus.

Patuloy naman ang pagsirit ng recoveries sa COVID-19 na nasa 112,759 matapos madagdag ang 237 bagong gumaling sa COVID-19.

Rumehistro naman ang total deaths sa 2,681  nang maitala ang 18 bagong nasawi dahil sa naturang virus.

Pumapalo naman sa 49,034  ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 91.1% ang mild cases,  6.5%  ang asymptomatic, 1% ang severe at 1.4%  ang critical condition.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img