COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 112,593

0
4

Pumalo na sa kabuuang 112,593 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Ito’y makaraang madagdagan ng 6,352 ang bilang ng mga dinadapuan ng virus.

Sa kaparehong bulletin, nasa 240 ang iniulat na nakarekober o gumaling na sa virus sa nakalipas na 24-oras.

Dahil dito, nasa kabuuang 66,049 na ang gumagaling sa COVID-19 sa bansa.

Samantala, ayon sa DOH, 11 pa ang naidagdag sa mga namatay sa virus, kaya’t nasa kabuuang 2,115 na ang related deaths sa COVID-19 sa Pilipinas.