COVID-19 cases sa bansa patuloy ang paglobo

0
20

Patuloy ang paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon, Mayo 1 nasa  8,772 na ang tinamaan ng nasabing virus sa bansa matapos maitala ang 284 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

11 pasyente naman ang nasawi sa magdamag kayat nasa 579 na ang death toll, samantalang   nasa  41 ang mga bagong naitalang gumaling sa COVID-19 kayat pumapalo na sa 1,084 total recoveries mula sa nasabing virus.